(Para sa ARAW NG PAGKILALA ng aming paaralan)
PAGBATI SA AMING PUNONGGURO, MGA GURO, MAGULANG AT MAG-AARAL NA NAKIKINIG....
MALAKAS ANG KABOG NG AKING DIBDIB SA UNANG
PAGTAPAK SA MUNDO NG HAYSKUL. Bagamat may
halong pananabik, wala pa ring ideya na pumapasok sa aking isipan kung ano ang
maaaring mangyari sa akin. Mananatili kaya akong nangunguna sa klase kagaya
noong nasa elementarya o kaya’y mas magiging pabaya na mula ngayon. At sumapit
na ang apat na taon… nakaranas ako ng matinding paghihirap, naranasan kong
hindi matulog sa gabi, umiyak, tumawa, magalit, makipagtagisan ng talino’t
talento, magmahal, matakot at lahat na yata ng maaaring maranasan. Subalit sa
bawat hamon na aking nalagpasan, hindi maaaring sa huli, wala akong aral na
matututunan.
Ngayon,
aalis na kami sa paaralang minamahal – paaralang pumuspos ng paghubog sa aming
pagkatao. At bago ang tuluyan naming pagtuntong sa susunod na kabanata n gaming
buhay, hayaan niyo akong magpasalamat sa mga taong nasa likod n gaming mga
tagumpay. Unang-una, sa aming mga kaibigan na parating nariyan sa oras ng
pangangailangan, sa parating pagbibigay saya sa aming pagkalugmok at sa matibay
na pagkakaisang ating naipamalas.
Maraming salamat sa mga gurong handang sumuporta at nagsilbing mga
pangalawang magulang naming. Binigyan niyo kami ng mga aral na aming magagamit
sa tunay na buhay. Maraming salamat lalo na sa aming mga magulang na kailanma’y
hindi kami iniwang mahatak pababa. Salamat sa walang sawang pagmamahal at
paglalaan ng inyong paghihirap para lamang marating ang aming mga minimithi sa
buhay. At higit sa lahat, ang Poong MayKapal na siyang nagbigay liwanag sa
aming buhay at hindi niyo kami hinayaang bumigay sa lahat ng pagsubok ng aming
katatagan.
Pagkatapos
nito, mayroon na namang panibagong buhay ang naghihintay sa akin – ang
kolehiyo. Wala pa akong ideya kung ano ang magiging buhay ko sa pagpasok ko sa
Unibersidad ng Pilipinas. Nakakalungkot man na malalayo ako sa lugar na aking
nakagisnan ngunit marahil ay bahagi ito ng pagsubok na dapat kong gawin bilang
oportunidad.
Sa
aming paglisan sa paaralang ito, nais ko itong ibahagi sa mga mag-aaral na
siyang susunod sa aming mga yapak gayundin sa aking mga kapwa mag-aaral na
nagtapos na ng hayskul. Sa ating mga tagumpay, maging katulad tayo ng palay.
Habang tumutubo, lalong yumuyuko sa itaas. Hindi katulad ng mais, habang
tumutubo, lalo pang tumitingala sa langit. Matuto tayong tumulong sa mga taong
makamit din ang kanilang mga pangarap. Tayo ang magiging instrumento ng mas
maunlad na bayan. Muli, magandang hapon sa inyong lahat! Hanggang sa muli
nating pagkikita!
Wow 😍😍😍
TumugonBurahinSalamat sa mahusay na akda na nagmulat sa aking natutulog na kaisipan. Ang kabuuang daloy ng talumpati ay nag papahayag ng masidhing karanasan ng bumabasa at ng sumulat. Muli salamat sa muling pagbabalik saming mga alala ng nakalipas na nagdaang pagsasaliksik o pag aaral. Muli salamat.
TumugonBurahinsalamat sa pag babahagi neto.naalala ko tploy hih-schppl life ko,walang kaseng saya.... Sakit.info
TumugonBurahin